Pangarap ko masilip
ang iyong ngiting
malimit makita
ngunit kay tamis.
Pangarap ko makita ka
kasama ko
sa dalampasigan
nagtatampisaw at masaya
Pangarap ko
sa panahon ng lungkot
ikaw ang pupunas
sa aking luha
Pangarap ko makasama ka
sa hirap at ginhawa
hawak ang aking kamay
sa init ng pagmamahal.
Sunday, January 4, 2009
Pangarap ng pagmamahal
Posted by Episteme at 11:09 PM
Labels: dream love, love poems, pangarap ng pagmamahal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment