Sunday, January 4, 2009

Pangarap ng pagmamahal

Pangarap ko masilip
ang iyong ngiting
malimit makita
ngunit kay tamis.

Pangarap ko makita ka
kasama ko
sa dalampasigan
nagtatampisaw at masaya

Pangarap ko
sa panahon ng lungkot
ikaw ang pupunas
sa aking luha

Pangarap ko makasama ka
sa hirap at ginhawa
hawak ang aking kamay
sa init ng pagmamahal.