Thursday, August 27, 2009

Isang damdamin ako lang ang nakadarama

nalunod ako sa isang pagmamahal na hindi totoo
sa isang pag-asang upos
sa isang damdamin ako lang ang nakadarama.

minsan iniisip ko
sana
darating ang panahon na ako
ay makakahanap ng pagmamahal na totoo

ngunit nagising ako
tulad ng isang kisap-mata
ito'y panaginip lang pla
isang panaginip na walang patutunguhan
kundi sakit ng damdamin
at pag-asang upos.

**

minsan, pinangarap ko na makausap ka
na kahit papaano marinig ko ang mga biro mo
minsan, pinangarap ko na mayakap ka
madama na mahal mo rin ako

ngayon, kausap kita
di ko alam kung anong saya
ang dulot mo sa puso ko

ngayong kayakap kita
ayoko ko nang bitawan ka
ngunit alam kong iky aalis din
katulad ng iba

ngayong nakausap at nayakap na kita
pinangarap ko na sana hindi na lang ito nangyari
para hindi lalong madurog ang puso ko
sa lihim na pagmamahal sa'yo.